MAAGANG PAGBUBUNTIS

 Ang usapin sa maagang pagbubuntis ay kalat na kalat na sa iba't ibang parte,hindi lang ang ating bansa maging ang mundo.Tayo ay nahaharap sa masaklap na katotohanan sa napakaraming mga murang edad pa lamang,marami na sa mga batang kababaihan ang mayroon nang mga sariling anak .Bakit nga ba maagang nabuntis ang karamihan sa mga kabataang babae ngayon? Napakaraming mga maaaring maging dahilan kung bakit nangyayari ito .Dahil marami sa mga kabataan ngayon ang exposed na exposed sa social media at iba't iba pang mga website na hindi malaya nilang nabubuksan at nababasa ang kabuuan at lahat ng nilalaman mula sa mga photos at videos.

Kailangan mapigil na ang pagdami ng mga biktima nito.Lagi nating tatandaan na nasa simula lang ang sandaling sarap ngunit ang kasunod nito'y pangmatagalang hirap.Sa kasalukuyan parami nang parami ang mga isyu tungkol sa teenage pregnancy o maagang pagbubuntis .Lumalaganap na ito sa iba't ibang parte ng bansa .Maraming mga posibleng rason o kadahilanan ng paglaganap nito sa boung mundo .Isa na rito ang kahirapan o kawalan ng panustos kaya marami ang nagpapasyang ibenta ang kanilang sarili.Ang iba nama'y sadyang agresibo lang talaga,walang pinag aralan,nakucurios,gustong maranasan at nakikisabay sa uso.Alam naman nating lahat na likas sa mga kabataan ang pagiging "curious" sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid at gustong maranasan ang mga nararanasan ng iba.Madali rin silang naimpluwensyahan ng kanilang madalas na nakikita dahil hindi pa sila mature at hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa.


Comments